Friday, November 16, 2018

Madamdaming Tula

Ang tulang mababasa niyo ay naglalaman ng maraming emosyon. Isa itong halimbawa ng madamdaming tula.



Sa Lahat ng Panahon

Sa isang matandang puno ng mangga
Iginuhit natin ang pangako sa isa't isa.
Ang pangakong hihintayin ko ang pagbabalik mo sinta
Pangako mo naman ay dito tayo magkikita.



Sa tag-araw ay hitik sa bunga itong mangga.
Marami ang gustong pumitas at kumuha
Gaya ng puso ko na gustong angkinin ng iba.
Ngunit ang katapatan ko'y sayo lang walang pagdududa.

Sa pangkaraniwang araw, ang puno ay isang pahingahan.
Sa lilim nitong binibigay ay tiyak na may kaginhawaan.
Tulad ito ng papel mo sa pamilyang iyong iniwan
Taga- pagbigay ng ginhawa at pagkain sa hapag kainan.

Lumipas na ang panahon at nalagas na ang mga dahon
Kagaya ng puso kong nawawalan na ng emosyon. 
Ang araw-araw na wala ka ay isang hamon
Kaya itong pangungulila ay nauwi sa depresyon.

Ang puno ay muling namulaklak at namunga
Kasabay ng pagbabalik ng aking sigla
Naguumapaw ang naramdaman kong saya
Nadinig ko ang tinig mo sa kabilang linya.

Nayanig ang mundo ko nang humagupit ang malakas na bagyo
Ang akala ko'y dito na matatapos ang aking pangako.
Pag mulat ng aking mata isang dagat ang aking nakita
Pero mas ikinagulat ko ang sumunod na eksena

Nanatiling nakatayo ang punong mangga
Tila hinihintay ang ating pagkikita
Binigyan ako nito ng bagong pag-asa
Na sa tamang panahon ikaw ay muling makakasama.

Lumipas ang maraming taon 
Hinihintay pa tin kita tuwing dapit-hapon
Di ko na yata mahihintay ang tamang pagkakataon
Huwag sana akong lamunin ng takot at tensiyon.

Isang araw habang ang puno'y aking minamasdan
Isang pamilyar na mukha ang papalapit saking kinaroroonan.
Ang mukha niya ay tila pinatanda ng kahirapan
May mga sugat at pasa din ang ilang bahagi ng katawan.

Hindi ako maaring magkamali, ang nakikita ko ay ang aking mahal
Ang kaniyang lakad ay mahina at sadyang mabagal
Sa tingin ko siya ay napilay.
Buti na lamang ay may dala siyang saklay.

Magkahalong lungkot at saya itong nadama
Ngunit ang mahalaga ang pangako natin ay natupad na.
Tunay nga na ang pag-ibig ay marunong magtiwala, maghintay, umasa at hindi nagsasawa.















Inspirasyon sa Pagsulat ng Tula

Gusto mo ba magsulat ng tula pero hindi mo alam kung saan kukuha ng inspirasyon? Walang problema yan! Ibabahagi ko sa inyo kung saan at papaano ako nakakuha ng inspirasyon para makagawa ng isang tula.



1. Gamitin ang sariling karanasan. Hindi perpekto ang buhay natin minsan masaya at minsan may mga pagsubok din. Balikan mo yung mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo malilimutan at subukan mong ibalik yung naramdaman mo nang araw na yun. Kapag naibalik mo na sa isip mo yung sandali o panahon na yun doon mo na simulang magsulat ng tula at sigurado ako na magiging natural ang kalalabasan ng tula mo.

2. Maging mapanuri at mapagmasid. Sa milyong tao sa Pilipinas at sa dami ng nangyayari sa paligid natin hindi imposible na makagawa ka ng tula mula dito. Magmasid ka lang sa paligid hanggang may makita kang pupukaw ng atensiyon mo. Halimbawa nito ay ang nakita kong mahabang pila sa MRT kaninang umaga. Nang makita ko ang pila nito na abot na sa hagdan ay parang gusto kong magsulat ng tula tungkol sa paglalakbay ng tao at kung gaano kahirap ang titiisin niya nakarating lang sa pupuntahan niya.

3. Karanasan ng ibang tao. Marami tayo'ng makikilalang tao na maraming magandang karanasan sa buhay. Itong mga karanasan na to pag ginawa mong inspirasyon sa tula ay siguradong makakapaghatid ka ng pag-asa sa mga makakabasa nito.

4. Gumamit ng bagay. Sa totoo lang madali lang talaga humanap ng inspirasyon sa pagsulat ng tula sa katunayan kahit mga simpleng bagay sa paligid natin pwede mong gamitin. Narito ang ilan sa mga halimbawa:

  • Bulaklak - Tungkol sa mga babae.
  • Bituin- Tungkol sa pangarap
  • Kalsada- Tungkol sa tama at maling landas
  • Lapis at Papel- Tungkol sa relasyon
  • Maskara- Tungkol sa pagkukunwari
  • Bangka- Tungkol sa paglalakbay sa buhay
  • Salamin- Tungkol sa sarili
  • Puno- Tungkol sa Katatagan

Kung ano man ang piliin mo sa mga nabanggit ko sa itaas ang mahalaga pa din ay maiparating mo yung mensaheng gusto mong iparating sa mga magbabasa. 

Thursday, November 15, 2018

May Sukat at Tugma

Narito ang isang halimbawa ng isang tulang mayroong sukat at tugma. Ang bawat saknong ay may 4 na taludtod(linya) at ang bawat taludtod ay mayroong labing-isang pantig. 
Sa tulang ito ay sinubukan kong paghambingin ang buhay at ang tula. 







Buhay at Tula

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula
Madalas ito ay matalinhaga.
Malalim ang pahayag at salita.
Kailangan ng sapat na pang-unawa.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula
Bawat talata'y may sukat at tugma.
Mga nangyari saking pagkabata
Dahilan nitong ugali pagtanda.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula.
Iba-iba ang emosyon at mukha.
Kadalasa'y masaya't may pag-asa
Minsan may sakit at pighating dala.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula.
Minsa'y walang tugma kundi malaya.
Tulad ng isang presyong bagong laya
Gagawin ang lahat ng walang hiya.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula.
Sa twina'y may mensaheng nakukuha
Tunay, orihinal at walang daya.
Kapag pinagsama'y isang biyaya.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula.
May simula at wakas ang pagbasa.
Nuo'y bata ngayo'y bente singko na
Sa huli, hininga'y kukunin din niya.



Wednesday, November 14, 2018

Ang Tula ng Buhay ko

Bakit nga ba nahilig ako sa pagsulat ng tula?Hindi ko din alam ang sagot diyan pero nuong mga panahon na nag-aaral pa ako ay palagi ako nasisiyahan kapag may pinagawa na kailangan magsulat gaya pagsulat ng sanaysay, slogan o maikling kwento. Takot akong magsalita sa harap ng klase nuon yung tipong kulang na lang ipagdasal ko na maglaho ako sa kinatatayuan ko. Hirap na hirap din ako ipahayag ang nararamdaman ko kaya siguro kapag may pagkakataon na kailangan magsulat eh talagang duon ko ibibinubuhos yung kakayanan ko. Sabi ko sa sarili ko nung mga panahon na iyon eh balang araw mukang alam ko na ang tatahakin kong landas. 

Sa ngayon ay sa isang BPO company ako nagtatarabaho masay naman ako dito kahit hindi ako nakapagaral ng kursong related sa Pagsulat. Pero nagawa ko makapagbahagi ng iba kong mga tula sa Wattpad ito at masaya naman ako kasi may magagandang feedback akong natanggap sa konti kong followers. 

Pagsulat ng tula ang nakahiligan ko kasi para sa akin ang tula ay isang malikhaing paraan para ipahayag mo ang sarili mo o kung ano man ang nais mong iparating sa mga mambabasa. Parang pinaglalaruan ang mo ang mga salita hanggang sa makuha mo ang tamang timpla at tugma. 

Una akong nakapagsulat ng tula taong 2012 pagkatapos mamatay sa aksidente ng Tatay ko. Naalala ko pa ang pamagat ng tulang ito(Christmas without a Father) naipanalo ko pa ito sa isang contest pang 8th place yata yun. Malungkot ako nuong panahon na yun kaya siguro nagawa kong makalikha ng isang Tula at simula nuon nagsunod-sunod na yung mga tulang ginawa ko. Sinugarado ko na ang lahat ng gagawin ko ay kapupulutan ng aral, yung sasalamin sa lipunan natin at makaka relate ang makakabasa. Umaasa akong marami akong maibahaging mga tula dito. 

Paalala: Ang lahat ng mababasa niyo dito ay orihinal kong likha. 


Tuesday, November 13, 2018

BISIKLETA












Lahat ng bata natutunan mag bisikleta
Akyat baba sila sa pagpidal hanggang pagpawisan
Ngunit ang pagsakay dito hindi ko natutunan
Marahil takot ang magalusan.
Pero si tatay ang pagsakay dito'y ginawa niyang libangan.
Ginawa niya itong kotse kaya malalayong lugar kanyang napuntahan.
Ang bisikleta mahal niyang tila isang kaibigan
Ayaw niya itong magasgasan
Nang minsan ko nga itong matumba ay bigla niya kong nabulyawan
Ngayong itong bisikleta'y nakasabit saming tahanan.
Saan ba siya pumunta? Matagal ko na siyang hindi nakikita.
Bigla tuloy akong ginising ng katotohanan
Hapon ng March 26, 2012 nang isang pamilyar na mukha ang nakita kong nakaratay
Siya'y duguan, panay ang ungol at sigaw.
Tila may umubos sa aking lakas nang makita kanyang kalagayan.
Si Tatay hinatid ng kanyang bisikleta sa kanyang hangganan.
Ngayon, ang alaala niya'y buhay na buhay sa biskletang kanyang iniwan. 

Sandata

















Ang sandata ko'y hindi nahahawakan
Ito'y galing saking kaibuturan.
Inipong pagmamahal ang puhunan
Panlaban sa matinding kalungkutan.

Ang sandata ko'y hindi nakamamatay
Huwag matakot pag ika'y tinamaan.
Ika'y aking sasamahan at pakikinggan.
Tiyak ako'y iyong magiging kaibigan o ka-ibigan.

Ang sandata ko'y hindi gawa sa bakal o metal.
Isang lapis at papel lamang ang aking itatanghal
Sa mga taong kailangan ng konting pagmamahal
At uhaw sa mga ginintuang aral

Ang sandata ko'y hindi ang malalakas na sigaw
kundi ang malumanay na tinig na sayo'y pupukaw.
Ang mga nakabibinging alingawngaw 
Papalitan ng mensaheng malilinaw.

Ang sandata ko'y hindi lang ang karunungan
Pati na rin ang tinuro ng aking mga magulang.
Bagamat wala silang diplomang nakamtan
Tagumpay nila ang buhay ko sa kasalukuyan.

Ang sandata ko'y hindi ang pisikal na itsura
Kundi ang lakas ng loob at kumpiyansa.
Ang guwapo't maganda pinagtitinginan nila
Ngunit ang husay at talino sadyang nakakadala.

Ang sandata ko'y hindi matatagpuan sa kalupaan.
Siya ay nakakubli sa lupa at kalangitan.
Sa kanya nagmula ang mga sandata ko sa unahan.
Kaya't anuman ang maging kahinantan

Siya ang sandata ko sa kahit anong laban

Monday, November 12, 2018

Kulang pero Kumpleto










Mga mata ko'y kakaiba.
Nakikitang kulay ay iisa.
Iyong nakikita ang pisikal na itsura.
Aking dinarama ang pagkatao nila.

Mga salita ko'y pautal utal
Di maintindihan itong inuusal.
Salita mo'y malinaw pero lumalabas ay pinagbabawal
Saki'y di malinaw pero puno ng pagmamahal.

Mga tenga ko'y di normal, mundo ko'y puno ng katahimikan.
Ang sayo'y mahusay ngunit ibang salita'y di pinakikinggan.
Buka ng  kanilang bibig aking lamang sinasabayan
Kaya't musika ng buhay aking napapakinggan.

Mga paa ko'y maigsi lang
Ang sayo'y buo ngunit paglakad kinatatamaran.
Hirap at sakit ang dulot ng bawat hakbang.
Tinitiis marating lang ang patutunguhan.

Mga kamay ko'y nawala nuong ako'y bata pa lamang
Bakit kumpleto mong kamay cellphone o ipad ang laging tangan?
Pagluluto ang ginawa kong libangan. 
Paghawak sa bagay ginawan ko ng paraan.

Kami ay hindi perpekto.
May kulang man sa katawan o depekto
Pananaw sa buhay nanatiling positibo
Pangarap at pag-asa'y nagsusumamo

Kulang man sa paningin ninyo
Sarili'y ginagawa naming kumpleto. 



Talentado ako














Isang talento ang gusto ko nang pakawalan
Pakawalan sa mabuting paraan
Paraan na inyong magugustuhan
Magugustuhan ninyong lubusan at sasalamin sa lipunan
Lipunan na gagamitin kong batayan
Batayan sa pagsulat na makabuluhan
Makabuluhan ang bawat salitang bibitawan
Bibitawan ng may kasamang tugmaan
Tugmaan ng salitang malalim ang kahulugan
Kahulugan na maiiwan sa inyong isipan
Isipan na malikhain palagi kong pagaganahin
Pagaganahin araw-araw upang ako'y may maihain
Maihain sa mga taong uhaw sa babasahin
Babasahin na punong puno ng sining
Sining na sayo ngayo'y umaaliw pero akin nang tatapusin
Tatapusin pagkat nauubos na ang aking sasabihin
Sasabihin ng may lambing pagsulat ng tula'y kaysarap gawin
Gawin ng gawin hanggang ako'y mapansin
Mapansin sana itong talentong ipinagkaloob sakin

Monday, May 7, 2018

The Giver
















Thank you for bringing me into this world
And making me feel that I'm so welcome
Thank you for feeding my stomach and my mind
With healthy food and wisdom.

Thank you for staying awake on those sleepless nights
When I'm afraid of the dark you became my guiding light.
Thank you for being there for me twenty four hours a day
even though you're not getting any pay.

Thank you for always understanding
I don't speak sometimes but you know when I'm hurting.
Thank you for your natural feelings.
I don't explain most of the times but you know what I'm hiding.

Thank you for always believing
Every time that I'm struggling
Thank you for always supporting
Every time that I'm shaking

Thank you for making me realize
That i had many mistakes in my life
Thank you for making me decide
to choose and do what's always right.

Thank you for being so thoughtful.
You're reminders are always wonderful.
Thank you for being responsible.
You made our daily lives easy and meaningful.

Thank you for being my number one fan.
You are my follower and guardian.
Thank you for being a good Samaritan.
You're good works helped me to become a better man.

Thank you for all your sacrifices.
You sacrificed some of your happiness
You did it to ease away all my loneliness.
And fill my emptiness.

You're always the giver and I'm always the receiver.
You are my mother and I'll be thankful forever.
I can't find a single word to describe how great you are.
That's why I used all the beautiful words above.

Thank you mother for your undying love.