Thursday, November 15, 2018

May Sukat at Tugma

Narito ang isang halimbawa ng isang tulang mayroong sukat at tugma. Ang bawat saknong ay may 4 na taludtod(linya) at ang bawat taludtod ay mayroong labing-isang pantig. 
Sa tulang ito ay sinubukan kong paghambingin ang buhay at ang tula. 







Buhay at Tula

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula
Madalas ito ay matalinhaga.
Malalim ang pahayag at salita.
Kailangan ng sapat na pang-unawa.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula
Bawat talata'y may sukat at tugma.
Mga nangyari saking pagkabata
Dahilan nitong ugali pagtanda.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula.
Iba-iba ang emosyon at mukha.
Kadalasa'y masaya't may pag-asa
Minsan may sakit at pighating dala.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula.
Minsa'y walang tugma kundi malaya.
Tulad ng isang presyong bagong laya
Gagawin ang lahat ng walang hiya.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula.
Sa twina'y may mensaheng nakukuha
Tunay, orihinal at walang daya.
Kapag pinagsama'y isang biyaya.

Ang buha'y ko'y gaya ng isang tula.
May simula at wakas ang pagbasa.
Nuo'y bata ngayo'y bente singko na
Sa huli, hininga'y kukunin din niya.



No comments:

Post a Comment