1. Gamitin ang sariling karanasan. Hindi perpekto ang buhay natin minsan masaya at minsan may mga pagsubok din. Balikan mo yung mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo malilimutan at subukan mong ibalik yung naramdaman mo nang araw na yun. Kapag naibalik mo na sa isip mo yung sandali o panahon na yun doon mo na simulang magsulat ng tula at sigurado ako na magiging natural ang kalalabasan ng tula mo.
2. Maging mapanuri at mapagmasid. Sa milyong tao sa Pilipinas at sa dami ng nangyayari sa paligid natin hindi imposible na makagawa ka ng tula mula dito. Magmasid ka lang sa paligid hanggang may makita kang pupukaw ng atensiyon mo. Halimbawa nito ay ang nakita kong mahabang pila sa MRT kaninang umaga. Nang makita ko ang pila nito na abot na sa hagdan ay parang gusto kong magsulat ng tula tungkol sa paglalakbay ng tao at kung gaano kahirap ang titiisin niya nakarating lang sa pupuntahan niya.
3. Karanasan ng ibang tao. Marami tayo'ng makikilalang tao na maraming magandang karanasan sa buhay. Itong mga karanasan na to pag ginawa mong inspirasyon sa tula ay siguradong makakapaghatid ka ng pag-asa sa mga makakabasa nito.
4. Gumamit ng bagay. Sa totoo lang madali lang talaga humanap ng inspirasyon sa pagsulat ng tula sa katunayan kahit mga simpleng bagay sa paligid natin pwede mong gamitin. Narito ang ilan sa mga halimbawa:
- Bulaklak - Tungkol sa mga babae.
- Bituin- Tungkol sa pangarap
- Kalsada- Tungkol sa tama at maling landas
- Lapis at Papel- Tungkol sa relasyon
- Maskara- Tungkol sa pagkukunwari
- Bangka- Tungkol sa paglalakbay sa buhay
- Salamin- Tungkol sa sarili
- Puno- Tungkol sa Katatagan
Kung ano man ang piliin mo sa mga nabanggit ko sa itaas ang mahalaga pa din ay maiparating mo yung mensaheng gusto mong iparating sa mga magbabasa.
No comments:
Post a Comment