Wednesday, November 14, 2018

Ang Tula ng Buhay ko

Bakit nga ba nahilig ako sa pagsulat ng tula?Hindi ko din alam ang sagot diyan pero nuong mga panahon na nag-aaral pa ako ay palagi ako nasisiyahan kapag may pinagawa na kailangan magsulat gaya pagsulat ng sanaysay, slogan o maikling kwento. Takot akong magsalita sa harap ng klase nuon yung tipong kulang na lang ipagdasal ko na maglaho ako sa kinatatayuan ko. Hirap na hirap din ako ipahayag ang nararamdaman ko kaya siguro kapag may pagkakataon na kailangan magsulat eh talagang duon ko ibibinubuhos yung kakayanan ko. Sabi ko sa sarili ko nung mga panahon na iyon eh balang araw mukang alam ko na ang tatahakin kong landas. 

Sa ngayon ay sa isang BPO company ako nagtatarabaho masay naman ako dito kahit hindi ako nakapagaral ng kursong related sa Pagsulat. Pero nagawa ko makapagbahagi ng iba kong mga tula sa Wattpad ito at masaya naman ako kasi may magagandang feedback akong natanggap sa konti kong followers. 

Pagsulat ng tula ang nakahiligan ko kasi para sa akin ang tula ay isang malikhaing paraan para ipahayag mo ang sarili mo o kung ano man ang nais mong iparating sa mga mambabasa. Parang pinaglalaruan ang mo ang mga salita hanggang sa makuha mo ang tamang timpla at tugma. 

Una akong nakapagsulat ng tula taong 2012 pagkatapos mamatay sa aksidente ng Tatay ko. Naalala ko pa ang pamagat ng tulang ito(Christmas without a Father) naipanalo ko pa ito sa isang contest pang 8th place yata yun. Malungkot ako nuong panahon na yun kaya siguro nagawa kong makalikha ng isang Tula at simula nuon nagsunod-sunod na yung mga tulang ginawa ko. Sinugarado ko na ang lahat ng gagawin ko ay kapupulutan ng aral, yung sasalamin sa lipunan natin at makaka relate ang makakabasa. Umaasa akong marami akong maibahaging mga tula dito. 

Paalala: Ang lahat ng mababasa niyo dito ay orihinal kong likha. 


No comments:

Post a Comment