Tuesday, November 13, 2018

BISIKLETA












Lahat ng bata natutunan mag bisikleta
Akyat baba sila sa pagpidal hanggang pagpawisan
Ngunit ang pagsakay dito hindi ko natutunan
Marahil takot ang magalusan.
Pero si tatay ang pagsakay dito'y ginawa niyang libangan.
Ginawa niya itong kotse kaya malalayong lugar kanyang napuntahan.
Ang bisikleta mahal niyang tila isang kaibigan
Ayaw niya itong magasgasan
Nang minsan ko nga itong matumba ay bigla niya kong nabulyawan
Ngayong itong bisikleta'y nakasabit saming tahanan.
Saan ba siya pumunta? Matagal ko na siyang hindi nakikita.
Bigla tuloy akong ginising ng katotohanan
Hapon ng March 26, 2012 nang isang pamilyar na mukha ang nakita kong nakaratay
Siya'y duguan, panay ang ungol at sigaw.
Tila may umubos sa aking lakas nang makita kanyang kalagayan.
Si Tatay hinatid ng kanyang bisikleta sa kanyang hangganan.
Ngayon, ang alaala niya'y buhay na buhay sa biskletang kanyang iniwan. 

1 comment:

  1. Chad. Nakakaiyak nman po.ang hirap isipin.. lahat ng nasa mundo ay my katapusan. Pero ang alaala ay na natili sa isip at sa puso natin. Kya habang may pagkakataon pa tayo. Mahalin natin ang mga importante sa buhay natin pahalagahan ang mga bagay maliit man o malaki. Dahil bandang huli napaka halaga pala nito sa buhay natin.

    ReplyDelete