Tuesday, November 13, 2018

Sandata

















Ang sandata ko'y hindi nahahawakan
Ito'y galing saking kaibuturan.
Inipong pagmamahal ang puhunan
Panlaban sa matinding kalungkutan.

Ang sandata ko'y hindi nakamamatay
Huwag matakot pag ika'y tinamaan.
Ika'y aking sasamahan at pakikinggan.
Tiyak ako'y iyong magiging kaibigan o ka-ibigan.

Ang sandata ko'y hindi gawa sa bakal o metal.
Isang lapis at papel lamang ang aking itatanghal
Sa mga taong kailangan ng konting pagmamahal
At uhaw sa mga ginintuang aral

Ang sandata ko'y hindi ang malalakas na sigaw
kundi ang malumanay na tinig na sayo'y pupukaw.
Ang mga nakabibinging alingawngaw 
Papalitan ng mensaheng malilinaw.

Ang sandata ko'y hindi lang ang karunungan
Pati na rin ang tinuro ng aking mga magulang.
Bagamat wala silang diplomang nakamtan
Tagumpay nila ang buhay ko sa kasalukuyan.

Ang sandata ko'y hindi ang pisikal na itsura
Kundi ang lakas ng loob at kumpiyansa.
Ang guwapo't maganda pinagtitinginan nila
Ngunit ang husay at talino sadyang nakakadala.

Ang sandata ko'y hindi matatagpuan sa kalupaan.
Siya ay nakakubli sa lupa at kalangitan.
Sa kanya nagmula ang mga sandata ko sa unahan.
Kaya't anuman ang maging kahinantan

Siya ang sandata ko sa kahit anong laban

No comments:

Post a Comment